seryoso - venn g lyrics
ang hangganan ng buhay natin hindi maiwasan
kahit pinansyal mong estado ay talagang kabigatan
pag iingat mo man sagad wala pa rin katiyakan
dahil kamatayan ay darating ng walang pagpapaalam
sa isang iglap pwede magbago ang hinaharap
ang masayang pagkakataon bigla na lamang sasaklap
hindi natin manipulado ang oras sa ating buhay
ang tumubo sating sung*y ang pumutol sa tulay
hindi siya nagkulang sa atin yan ang lagi mong pagkakatandaan
kung saan ka man ng*yon bunga ng desisyon sa nakaraan
gumanap ka ng walang gabay umasa sa sariling kalakasan
mahal ka niya kaya nirespeto niya ang gusto mo na lakaran
kaya lang!
lalambot ka rin gaano man ang katigasan
natural sa tao ang meron na kapintasan
senyales sa panginoon tayo ay mangailangan
si hesus inunat ang braso para tayo hawakan
maraming papuri naririnig sa iba
di namalayan sahog yun para yabang mailikha
nawala tayo sa sentro ng diyos dahil sarili ay tuso
sabayan pa ng taong mapagengganyo sa tukso
siya ang diyos na dapat nilalaman ng iyong puso
para alam mong pilin ang tama sa peke at totoo
marami siyang pag iingat na hindi natin namalayan
na di natin dinasal pero kanyang pinatunayan
pag ibig sayo sa akin na walang katumbas
kahit lamang ang kamalian di nagaw*ng manumbat
biningwit tayo ng awa kahit hindi karapat dapat
bagamat astang parang walang kamatayang magaganap
panginoon, aming diyos purihin ang pangalan mo
kahit sinuman taong mahusay ikaw ang kailangan po
wala kaming magagawa kung kami sayo layo
ang katiyakan na pag iingat sayo lang matatamo
panginoon, aming diyos purihin ang pangalan mo
kahit sinuman taong mahusay ikaw ang kailangan po
hesus sa langit at lupa ikaw ang hari ng mga hari
ang mamatay sayong namalagi yun ang tunay na wagi
sa diyos ang lahat ng kapurihan!
Random Song Lyrics :
- коррозия хип-хопа - noize mc lyrics
- the stalker - sunflower bean lyrics
- derrumbe - ensecreto lyrics
- turns blue - hovvdy lyrics
- winter morning ii - woodkid lyrics
- untitled song - metri lyrics
- tony sito - slimesito lyrics
- ehek ehek - rozy lyrics
- we are all getting old - telex lyrics
- pop in my step - king gizzard & the lizard wizard lyrics