kanta ni sam - toneejay lyrics
sinta
sa gabing madalim
naglalakad sa ilalim ng mga bituin
sinta
pasensya na
kung hindi pinapansin ang ‘yong hinihiling
na tumingala sa mga tala
dahil kahit sampung libo pa
ang mapakita
mas gugustuhin ko parin
tumingin sa sining
ng ‘yong mga mata
o sinta
ang makapiling ka
habambuhay na
kay sarap awitin ng pag*ibig
kay sarap awitin ng pag*ibig
kay sarap awitin ng pag*ibig
lalo na’t alam ko na mahal mo rin ako
sinta, tuwing kasama ka
bakit tila nagiging pelikula ang mga eksena
kailangan pa ba natin ng mga
nakasulat sa ilalim?
kung naiintindihan naman natin
ang lenggwahe na nating nadarama
hindi ba, sinta
o sinta
ang makapiling ka
habambuhay na
kay sarap awitin ng pag*ibig
kay sarap awitin ng pag*ibig
kay sarap awitin ng pag*ibig
lalo na’t alam ko na mahal mo rin ako
pag kahawak mo ang aking kamay
pag binabanggit mo’ng aking pangalan
pag sinasabi mong mahal mo ako
o, ang mga saglit na ito
ayokong ng matapos
o sinta ang makapiling ka habang buhay na
kay sarap awitin ng pag*ibig
kay sarap awitin ng pag*ibig
kay sarap awitin ng pag*ibig
lalo na’t alam ko na mahal mo rin ako
lalo na’t alam ko na mahal mo rin ako
Random Song Lyrics :
- smokin' on a junt - purple posse lyrics
- sənin yanında - abdul xalid lyrics
- incapacidade de amar - heróis da resistência lyrics
- give it to her - lonelytwin lyrics
- tus besox - junior h lyrics
- el cantinero - charanga habanera lyrics
- cloudland - the mangroves lyrics
- мерзость - suitter & gutman lyrics
- nothing // never - ranen lyrics
- over & over - 三代目 j soul brothers from exile tribe lyrics