lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

shockra - the eight curse lyrics

Loading...

tapos na ang inyong pag hihintay
abaddon
crazy mix
flict g
tuglaks
kial
numerhus
smugglaz at
innozent one

chorus:

kami ang walong sumpa mula sa lugar ng dalubhasa
walong dyos ng letra gamit ang bagsakang rumaragasa
mga poetikong ginapusan ng husay sa pagbigkas
kami ang magsisilbing pamantayan ng kalupitan sa pinas

shockra!

lakas ng sabog ng aming damdamin pinakamatibay pinakamahusay
mga pinaka kilala sa ilalim
dalubhasa pa sa mga dalubhasa kami ang walong sumpa
mga nilalang na dapat igalang kami yon wala ng iba

shockra!

smugglaz (1st verse)

sigunda ng mga labananan magagawa mo na matanaw at madama
ang pagkadalubhasa mula pa sa pinakamataas na level ng musika
ikaw maging sino pa man ay’ wala ng sinomang
makakalamang sa mga kilalang nilalang na likas talaga ang pagkahalang
malamang di mo na magawa pa makapag panatag sa mga bumagabag
ng mga pahayag na dala pamatay na pamamaraan ng pag lansag
habol’ ako sila sila’t ako walong sumpa
ikapito sa mga panggulat tagapagpala ng paniniwala
ng mga’ taliwas sa dapat para bang dapat na maibunyag
ng mga intelehenteng personang pinat-tingkad ang mga bansag
pirme’ na nakalinayada sa hanay ng mga mapang antala
na nakapaloob sa pagkamabalasik imprehensibong lumuwa
natunugan na nila papilas na dapos ang mga kalaban na mapapel
bubulatlaten ang mga tenga sa galit na bumuga mula saking pag pipigel
dikterado na manunula manunulat at man-n-lata
na sa mga kalaban na samin man-n-lungat ay walang puknat na man-n-lasa

numerhus (2nd vesre)

si numerhus to !!!!! nakatayo bilang ikaanim
sa walong lakas pinagisa nabakas sinusumpang lalapain
ang lahat ng balakid di makakapatid lubusan ng matatauhan
di ka makakalunok dahil sa mga pakong nakabaon sayong lalamunan
tanging larawan ng kabangisan lamang nakaukit saming mga palad
na binigyang hugis ng matutulis na dilang walang kahalitulad
tila mga buhawi na raragasa na koloretes ng mga patalim
na palamuti ng mga kamandag na pinapain ko sa mga paningin
bilang himpilan ng mga pangulat akda ng mga litigasyon
na makabago mula sa kakayahan na di makitaan ng limitasyon
walang katapusan bawat sinimulan inumpisahan na may balasik
na kung saa’y matatagpuan ang mga di mo pa nasasaliksik
kami’y binuo upang k-milos lumikha ng mga indayog
na syang babago sa pananaw kasabay ng pagkalat at pagsabog
ng malakilometrikong litanya k-makastigo ng damdamin
walong sumpa ang salarin “numerhus ang ikaanim”

crazymix (3rd verse)

pagbitaw ng dila di na mapatila ang unang tamaan t-tirikan ng kandila
nakahanay samin ang mga malupit mula cubao tundo nakapila
habang binibitawan namin ang mga kataga hindi mo na malaman kung paano malampasan
ang mga pag atake na aming ginagawa na pandurog nang tampalasan
ako si crazymix ikalaw-ng sumpa ng shockra handa ka na ba
sa pagpunta mo sa ibang dimensyon kung saan nararapat ang mga tanga
katulad mo ikinagulat mo ang paglitaw ng walong sumpa
mga batang makata na parang buhawi na kayang bumitaw kahit anong tugma
bagsakan man o pabilisan tugmaan man o patagisan
nang mga kataga na kayang makasugat pataliman o patulisan
ang mga magbabalak ay matatagpuan na nakaratay
sa tambakan ng mga bigo na malampasan ang mga nakahanay
walong sumpa ng shockra sa isang kanta ay pinag isa
pinagsama na sa isang bagsak para mga kalaban amin nang mapisa
kung t-tira ka saamin ng gabutil babalik kong bawi sangdakot
lahat ng matapang na pumasok dito pinauwi ko ng takot

(repeat koro)

flict g of repablikan syndicate!! (4th verse)

isang malaking kahangalan ang makipagbanggaan sakin
sinumang k-montra at sumalungat ay gagapang samin
di ko na pinapatulan ang mga nagpapansin k-muha ng aming atensyon
umayaw na sa rap game di makatanga nung turuan namin ng aming leksyon
talasan mo ang paningin salagin ang mga tirang bihasa
palitan ang mga utak ng mga tanga tanggalin ang mga dilang binasa
inaantok ako sa mga to mga tangang di makaintindi
di ka makatang magaling kundi makatang nakaririndi
ano man ang mga musikang pinakikinggan mo akin ng pinagaralan
eh ikaw miski magulang mo di ka pinaparangalan
panuntungan palaliman pabilisan pagalingan
ang bugtugan palasingan naglihisan sa kambingan
nagsilisan nagbihisan pagkat pinagpawisan
nung nakita na nila ang k-manta ng paglisan
di naman sa pagmamayabang nagmamagandang loob lang ako
para naman sa kaalaman mo malaman mo kung sino ako

ako si flict g…!!!

tuglaks (5th verse)

shockra !!! nag babalak kaba kay tuglaks mga mata mo’y imulat
paki tignan mabuti kung sino ako patuloy ang dila rumaragasa
sa mga pandinig ng mga nakinig nanginig ang tuhod at kinakabahan
ang mga kalaban na nais sumagupa sa isang nilalang may dilang
handang tumira kana sa akin ng patalikod ng iyong magawa
makata ka man oh — na hindi sumablay
tinaguriang batikan na hindi mapatay
binabalutan na ng pwersa bawat hagupit na hindi mapatila
wawasakin ang iyong papel na tapos ka hanggang lumabas ang dila
tuglaks ang ika apat na sumpa bagong pandayo
sa bawat tunog na akin nilagyan ay hindi magawa ng ibang pinaghalo
sa aking utak ang lahat ay nilampaso walng beteranong makakapantay
walang sino man ang sumasagupa humanda oras na mapa–mig-y
ah lage ng-yon na sabihin na bago mawala sa larangan na to ako ang inakda
na tatapos sayo na hindi mabura
isang dura ka lang sa bawat tunog ng aking hagupit
salagin mo lahat ng aking binuo nang malaman mo kung sino malupet!! halika !!!

kial (6th verse)

muli na naman nag sihampasan ang mga dila mula sa mga binalutan
ng puro kaalaman di akalain na lalampas pa samin ang katalinuhan
na di makapitan ng mga ungas kaya humihila pababa
pinapalibad ang mga salita na pinapamula ng mga taong batang tondo
akala mo siguro na hindi kona magagawa na muli maibalik ang binitawan ko nun una
pinag mumula pinapaulit ng mga kalaban na wala namang mga ibubuga
ng-yon makinig ka at uulit ulitin ko na hindi mo parin kaya na abutan
ang mga bala namin na pinapahayag na nag mumula sa mga banatan
hindi mona kayang awatin bigilin mo man tatagal kaba
sa mga taong nakapag sulat ng awitin ay malabo nang mangapa
tignan mo kung gaano katibay ang aming bakuran na dimo kayang banggain
pagkat kung sino man ang mga dinaanan di malampasan ng yapak mo na sakin
giling hahayang ko na di mataob kahit bumaliktad pa ang pito
pano pa gagaling ang mga bobo kung inutil naman ang guro
kami ang halang kame ang brutal kame ang pinalad na di mapaslang
ako ang batang ngalan ay kial mula sa delfan sino ang hadlang

abaddon (7th verse)

sa makatuwid isang nilalang na pinunong anghel!
abbadon!
ang mga letra ko babala at ang bibig ko ay barel!
isinumpa na maging demonyo sa pa mamagitan ng pagtula
ang mga nanghamak at nangmaliit sakin nag kamali ng kalkula
ako ay buhay na tanikala hinugot sa masama mong panaginip
delubyong kinakatakutan mo na sa isipan mo ay nakatirik
ako ang dilim sa liwanag itago mo man ako ay nakasilip
solusyong burahin ako sa mundo mo di kana makakaisip
wala ka ng takas ako ang diyos na yong anino na sinasamba at dinadakila ng iniilagan mong maligno!
akoy sumpa!
ang aking misyon dapat ay maisakatuparan ubusin ang mga bulaan at imulat ka sa katotohanan
walang puw-ng ang mababang uri sa entabladong aking tinapakan walang basbas naisa kamay
ang mikroponong aking hinawakan kayo’y mga bihag at alipin na aking pag haharian
alay para makamtan ang mas matinding kapangyarihan!!

(repeat chorus)

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...