
tila tala - syd hartha lyrics
kapag nahulog nang tuluyan ang aking damdamin
nariyan ka ba para ako’y saluhin?
mukhang malabo
mukhang sa panaginip ko lamang posible ‘to
bakit ganito?
sa lahat ng tao, ikaw pa
ang napiling isigaw ng puso
sino ba naman ako para piliin mo?
tila tala sa kalangitan
kaakit-akit subalit
ako’y hanggang tingin lang
kahit anong pilit na ikaw ay abutin
hindi ka kailan man magiging para sa akin
kahit anong pilit
hindi ka mapapasaakin
pilit na ikinukubli ang nararamdaman
tumitigil ang paligid tuwing ika’y nariyan
at sa iyong paglapit
natataranta, ako’y natotorete nalang
huwag mo naman akong tignan nang ganyan
hinay hinay lang, mahina ang kalaban
hindi madaling mapa-ibig sa katulad mo
bakit ganito?
sa lahat ng tao, ikaw pa
ang napiling isigaw ng puso
sino ba naman ako para piliin mo?
tila tala sa kalangitan
kaakit-akit subalit
ako’y hanggang tingin lang
kahit anong pilit na ikaw ay abutin
hindi ka kailan man magiging para sa akin
kahit anong pilit
hindi ka mapapasaakin
malabo, malabong malabo
malabo, malabong malabo
malabo, malabo
malabong ako ang pipiliin mo
malabo, malabong malabo
malabo, malabong malabo
malabo, malabo
malabong piliin mo ang tulad ko
tila tala sa kalangitan
kaakit-akit subalit
akoy hanggang tingin lang
kahit anong pilit na ikaw ay abutin
hindi ka kailan man magiging para sa akin
kahit anong pilit
hindi ka mapapasaakin
Random Song Lyrics :
- långt ifrån - tv lyrics
- 50 niggas deep - zoe osama lyrics
- stan smith music - ava online lyrics
- no strings - paula pell lyrics
- bobby lane - sunshine christo lyrics
- 壮志凌云 (zhuàngzhì-língyún) - aofei 翱非 lyrics
- fell asleep - rjmrla, dj drama & blxst lyrics
- dumb blonde - andi lyrics
- pushin' fear ii - ed kuepper lyrics
- ξανά (xana) - pix lax lyrics