nightmare (prod. ahju$i) - switchbitch lyrics
[verse 1]
tatakbo*takbo, wag kang lilingon
anino nino ang sumusunod sa bawat yapak mo?
bawat kayod: nakalulunod
wag kang matisod baka maya maya’t ika’y magkasariling puntod
pilit na tinututok ang titig sa nais lang makita
wag umastang naaabala sa kababalaghang
nagaganap
wag kang sisilip baka di kayanin ng sikmura
ang sinasabuhay na katotohanan
wag kang kukurap
mga bangkay, patay buhay, gumagala
di matukoy ang pinagkaiba, kaya isanay
ang sarili na wag magambala
tuloy lang sa pagbabalat*kayong ayos lang ang lahat
pero kahit anong pagtatangkang iwas at pagtakas
maaabot, mahahabol
kahit pa ika’y k*maripas
ng takbo papalayo — tila papalayo
gagapangin ka ng kilabot ng nakahabol na mga anino
tila wala kang takas sa mga rehas
kahit ano pang pilit na pagpiglas
wala kang takas
wala kang takas
[verse 2]
sige boy, idilat mo ang iyong mga mata
wag kang magpahinga kung ayaw mo tuloy mamahinga
bilanggo ng lipunan, bilang ang araw gang kamatayan
kung ‘di sa gutom, sakit, sa bala matutuluyan
binabangungot ng gising mga demonyong halang
di takot sa sakit kundi korona ng amang
sinasamba ng mga buwayang lang kaluluwa
kataway itatang*y sa impyerno iluluwa
kakasa itututok kakalabitin
baril sa batok habang tulog nang mahimbing
poong ama sinasamba din lang naman ang naguutos sa
putangamang halang na baboy ang uumuubos
mga bangkay, patay buhay, bumabangon
sikmura’y umiikot, nasusuka, nandidilim
paano mananaginip ng bukas kung mata’y piring
sa dilat na bangungot, paano tayo magigising
[outro]
pinapatay lang din naman
ba’t di na manlaban?
Random Song Lyrics :
- arya jontka - stanisław moniuszko lyrics
- the comeback - gallo lyrics
- minecraft all day - woozyfern lyrics
- ela nunca sorri - rb8 lyrics
- lifeboat - scum (us) lyrics
- the candle - jordan robert kirk lyrics
- birkaç küfür müsaade - şiirbaz lyrics
- legendary broly (dragonball super rap) - gameboy jones lyrics
- sábado à noite - urban gorillas lyrics
- the one - mr. grey lyrics