hindi ako iiyak - susana pichay lyrics
[verse 1]
kapeng aking tinitimpla, lagi ng*yong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa ‘ki’y nakatitig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig
[verse 2]
buhok na mahaba iniingat*ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan ko ito
marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
at ‘di mo napansin at hindi tinutulan
[chorus]
huwag kang mag*alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga*patak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang*pangalan itong aking anak
[verse 3]
pintong dati*rati bukas sa iyong pagdating
ng*yo’y nakasara at panangga sa hangin
‘pag ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
kahit mahina pa ito’y aking sasagutin
[verse 4]
kay linis ng silid, walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
sanggol na nasanay, akala ay ama
ng*yo’y natutulog ito kahit nag*iisa
[chorus]
huwag kang mag*alala, ‘di ako iiyak
hindii magdaramdam kahit na ga*patak
pag*ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
huwag kang mag*alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga*patak
pag*ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
Random Song Lyrics :
- venom - ravi (vixx) lyrics
- meu reino encantado - daniel lyrics
- our last gloomy dance - diabolus in musica lyrics
- polaroid - anthrés lyrics
- guerre fredde - coma cose lyrics
- valerie - the brothers comatose lyrics
- só me afundo - vácuo lyrics
- siła charakteru - kaczor brs lyrics
- que hago contigo - los canarios de michoacan lyrics
- kittamove - k-clique lyrics