lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

parisukat - stick figgas lyrics

Loading...

refrain:
ang mga butas sa pader ay nakatingin
mababang kisame ay nakikinig
s-m-ntong sahig ay niyayanig ng mga tawa’t pagluha
‘di man umiikot, ito’y nalibot na
dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

verse i

‘di mo ko kinikibo, tapik na ko nang tapik
nagpadala ng puso, umaasang may bumalik
sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi?
nung naiputan niya, sariwa pa rin sa ‘kin yung hapdi
subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
wala rin, kunsensya ko naman yung uupak sa akin
wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine
napa-praning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin
basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
detalyado kong ginuhit ang sagrado na kwadrado
kusang ‘di ko na kailangan ng matataas na grado
may mga mata ng kuwago sa sulok ng bawat kanto
marunong magpatawad pero ‘di nakakalimot
saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot
sa mundo kong ito, ‘di mo na ko mabibilog
tiyak lulutang ‘yung basurang itinapon mo sa ilog!

refrain:
ang mga butas sa pader ay nakatingin
mababang kisame ay nakikinig
s-m-ntong sahig ay niyayanig ng mga tawa’t pagluha
‘di man umiikot, ito’y nalibot na
dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

verse ii

mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
kailangan kong magka-ganon ayokong mahuli sa kwento!
dala-dalawa na ang telepono, ‘di pa rin kuntento
puro lamang sarili trato at pasikat sa komento
alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo k-mpleto
araw ng kapanganakan, trabaho mo pati s’weldo
kasi trenta porsyentong rason kaya ‘to inimbento
para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
para lamang maging alipin ng kahirapan
parang salamangkerong pinapili ang nanonood
kanan man o kaliw-ng kamay siya pa rin ang siyang nasusunod!
madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral
na dapat maaga mong natututunan
tulad ng ‘di ka malaya, malawak lang ang kulungan!

refrain:
ang mga butas sa pader ay nakatingin
mababang kisame ay nakikinig
s-m-ntong sahig ay niyayanig ng mga tawa’t pagluha
‘di man umiikot, ito’y nalibot na
dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

bridge:
wala na akong ibang mahihiling pa
sa sulok ng mundong ito
kapiling kita, o sinta…
bakit ba sa t’wing pinapalaya mo?
labas pasok pa rin ako
sa bilangguang nakasanayan ko…whoah…

verse iii

gustong k-mawala ng kamalayan ‘di sanay na palaging gala
maghapong kayod nang kayod para lang may gatang mapiga!
lansangang maraming daga, basa! maing-y na talipapa
kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
sa sinasabi ng iba ‘wag ka masyadong magbabalewala
marami ng buhay ang nababalewala — napariwara
kamatayan lang ang makakapagkalas ng mga tanikala
makakatakas ka lamang sa parisukat
kapag nakahiga ka na sa parihaba!

(instrumental solo)

refrain:
ang mga butas sa pader ay nakatingin
mababang kisame ay nakikinig
s-m-ntong sahig ay niyayanig ng mga tawa’t pagluha
‘di man umiikot, ito’y nalibot na
dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...