pag-uwi - raven (phl) lyrics
[verse 1]
bumalik ang kulay sa aking buhay
no’ng ika’y makita kong muli
kay tagal kong hinintay ang mahawakan ang ‘yong mga kamay
at maligaw sa ‘yong tingin
[pre*chorus]
kung puwede lang sanang humiling na ’wag ka na munang aalis
sulitin natin ang araw nating dalawa
at sa pagsapit ng gabi, ibubulong, “kailan muli?”
magkakalayo na, paalam muna
[chorus]
‘di malimutan ang saya sa ‘yong mata, ah*ah
ngiti sa labi’y ‘di na mawala*wala
hanggang sa pag*uwi nating dalawa
[verse 2]
sa bawat kuwento, sa bawat titig mo
humihinto ang paligid ko
nakukuntento sa saya na big*y ng pag*ibig mo
sa ‘yo lang magkakagan’to
[pre*chorus]
at buong maghapong naglalakbay, hanggang sa dulo’y magkasabay
sinusulit natin ang araw nating dalawa
at sa pagsapit ng gabi, ibubulong, “kailan muli?”
magkakalayo na, paalam muna
[chorus]
’di malimutan alaalang kay saya, ah*ah
ngiti sa labi’y ‘di na mawala*wala
hanggang sa pag*uwi nating dalawa
[instrumental break]
[chorus]
’di malimutan ang saya sa ‘yong mata, ah*ah
ngiti sa labi’y ‘di na mawala*wala, ah*ah
’di malimutan alaalang kay saya, ah*ah
ngiti sa labi’y ‘di na mawala*wala
hanggang sa pag*uwi nating dalawa
Random Song Lyrics :
- омут - raeson lyrics
- ego - kanwulia lyrics
- totally a diss track 2 - jonathon (rap) lyrics
- grave - rjldiablo lyrics
- sweet girl - d. migdilix lyrics
- leave a little - bensbeendead. lyrics
- shattered tomb - arctos lyrics
- promises - nova (jam) lyrics
- lord - yoshiki ezaki lyrics
- sandstorm - attacotti lyrics