kpls - plagpul lyrics
[intro]
ehem
[verse]
kung pwede lang sanang ika’y aking kasama
ka*date, ka*hold hands, ka*buddy sa barikada
kung pwede lang sanang sa iyo’y maipakita
na tayo’y mas okay kung tama ang sistema
[pre*chorus]
kaso hindi, lipunan ay dapat pang baguhin
bakit hati ang oras sa ‘yo at sa tungkulin
oh, pasensiya, mahal ko
kung ang lambingan ay bitin
[verse]
kung pwede lang sanang walang kupal na pulis
politikong epal at magnanakaw ng buwis
kung pwede lang sanang wala nang pagtitiis
nang makapag*full*time sa love story’ng kay tamis
[pre*chorus]
kaso hindi, lipunan na ating baguhin
mapanghati, ang natirang oras ay sulitin
oh, pasensya, mahal ko
sana’y iyong intindihin
[chorus]
pag*ibig ko’y mapagpalaya at abante
pangmatagalan, ‘di kontraktwal, permanente
walang haharang kahit pa ang presidente
ang pag*ibig kong alay, ugat ay lakas ng ating hanay
[verse]
kung pwede lang sanang lagi kang kapiling
at ang hustisya’y nakukuha sa p*n*langin
kung pwede lang sanang mura ang bilihin
at free ang tuition ng mga future children natin
[pre*chorus]
kaso hindi, lipunan ay dapat nang baguhin
‘wag magtimpi, sana’y sumama sa layunin
tayo’y k*milos, mahal ko
sa piling ng masa, ikaw at ako
[chorus]
pag*ibig ko’y mapagpalaya at abante
pangmatagalan, ‘di kontraktwal, permanente
walang haharang kahit pa ang presidente
ang pag*ibig kong alay, ugat ay lakas ng ating hanay
[instrumental break]
[outro]
pag*ibig sa ‘yo at sa bayang ‘di hiwalay
‘di k*mukupas, pag*alab at pulang kulay
ang tulak sa bawat hakbang at tagumpay
oh, aking sinta, aking kasama habangbuhay
Random Song Lyrics :
- desequilibrio - merzzy lyrics
- ops - 3rd wave lyrics
- lose my mind - timeflies lyrics
- programmed to fight/crashman - the megas lyrics
- mocking jay - anthemic lyrics
- när det otänkbara händer - mauro scocco lyrics
- miller nights - ronin the galactic destroyer lyrics
- it's alive (mc wike remix) - dr. dre lyrics
- the merkaba - sa-roc lyrics
- best rapper under 17 - mc octopussy lyrics