lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

tiktok - panday sining kontrapunto lyrics

Loading...

[intro]
(sobrang labo, sobrang labo)

[verse]
“tikom ang bibig,”
sumunod naman ako nung inutusan nila akong
lumuhod sa sahig, bitbit gamot ng inang
di naman ako lumaking delingkwente
panganay sa lima kaya silang lahat sakin nakadepende
kayod*kalabaw upang ma*permanente
sa trabahong barya lang ang sahod tuwing asingko at abente

tahimik na binabaybay ang pauwi
sa bahay namin na tanaw ko na sa kanto pag tawid
nang bigla akong harangin ng anim na
naka unipormeng may masamang hangarin

“pauwi na ho,” paliwanag ko
“bumili lang sa butika ng gamot ng ina ko”
nilabag daw ang batas sa pag labas ko sa gabi
sa respetong pinakita ko, dahas ang sinukli

lupaypay na ang katawan, sa pambubugbog nila po1
tinratong kawatan ang pinakamapagmalasakit
na anak ni aling marie ann
hirap na huminga nung aking madamang
may sinisilid saking bulsa’ng ‘sa sakanila
at nakarinig nalamang ako ng putok
pasensya na inay kung hindi ko naabot sayo ang yong gamot
[pre*chorus]
bakit nga ba sobrang labo
naglilingkod nga ba para kanino?
dapat may dala kahit na sino

[chorus]
ano bang naging kasalanan ko? tila eksena sa senakulo
pang*aabusong di na hihinto, kaya’t palaging may pieta
mga ina ay nagluluksa, biktima lagi ay maralita
kalaw*ng sa sirang sistema, gabi*gabi ay may pieta

[verse 2]
“itikom ang bibig,”
matawa*tawa kami habang minamasdan kang
nakaluhod diyan sa sahig at nagmamakaawa
para nga kaming kinikiliti sa tuwing
makikita ka naming namimilipit sa sakit
kay sarap maramdaman na
mas angat ako sayo dahil sa aking katungkulan

ang manilbihan at protektahan ang bayan ay
palamuti lang sa uniporme kong suot
kung ramdam mong ligtas ka sa presensya namin
ay nagkamali ka ng kutob
handa kang itaob, isang basyo sa bunbunan
kapag hindi ka sumunod
sabi ko gawin mo ang mga gusto ko
upang matubos ang kalayaan mo, pake sa ina mo
ako’y lisensyadong pumatay, salamat kay tatay d
mag*aatubiling taniman ka ng ebidensya
konsensya’y matagal nang winaksi
bukas, sa radyo, sa dyaryo
sasabihin kong ikaw ay nanlaban
napakadaling kalabitin ng gatilyo
tapos kami pa ang paparangalan

[bridge]
hugas ng kamay kapag nakapatay
tawa na lang kapag may lamay
buhay ng iba tila mani na lamang
oooh, oooh
di kami titigil kung pulis man ang pumigil
ang lahat ay magsasama para sa bulok niyong sistema

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...