2:00 am - kalyhina lyrics
nakahiga sa kama
madilim ang kwarto
tulala sa kisame, wala pa ring mabago
hindi k*mikibo, hindi makagalaw
gustuhin ko man, hindi makasigaw
paralisado sa mga iniisip ko
sana’y mamanhid
sa sakit ng alas dos ng madaling araw
sabi sa’kin ni kalungkutan
ika’y aking isasayaw
sinta, ako ang gagalaw
higpitan ang ‘yong pagkapit
lunurin ang sarili sa mga luhang
kasing alat ng dagat
pakinggan nang mabuti
ang iyong sarili
mga nakawalang hikbi, kasama sa himig ng awit
pagbago ng k*mpas sa bawat pag*ikot
sumunod na lang sa kilos ng lungkot
mga saloobing hindi mapakawalan
nakita isa*isa
mga aninong nagtatago tuwing umaga
sabi sa’kin ni kalungkutan
ika’y aking isasayaw
sinta, ako ang gagalaw
higpitan ang ‘yong pagkapit
lunurin ang sarili sa mga luhang
kasing alat ng dagat
‘di ko alam ang gagawin
ang aking sarili ‘di ko kayang mahalin
mga bituin nakapaligid sa akin
habang ako’y walang mabig*y sa dilim
lagi na lang akong kulang
kailan ba’ko
magiging sapat oh pagod na ako
laging mali sa mga gawa ko
may takas pa ba sa pagiging talo
lagi na lang mayroong nakikita
na pwedeng ik*mpara sa iba
hanggang gusto ko na lang mawala
ngunit di ko kayang mang*iwan
sabi sa’kin ni kalungkutan
ika’y aking isasayaw
sinta, ako ang gagalaw
higpitan ang iyong pagkapit
lunurin ang sarili sa mga luha
sabi sa’kin ni kalungkutan
nandito lang ako
sa tuwing ako’y kailangan mo
at sa oras ng ‘yong paggising
ako’y iwanan na at ang mga luhang kasing alat ng dagat
nakahiga sa kama
madilim ang kwarto
tulala sa kisame, wala pa ring mabago
Random Song Lyrics :