pusong bulalakaw - joey ayala lyrics
[verse 1]
pusong bulalakaw
gumuhit sa dilim
sabay tayong k*mapit
walang kinikimkim
liwanag mo’t liwanag ko’y
biglang naging isa
nang pusong bulalakaw
ay nagpakita
[verse 2]
tahimik ang pagitan
sa unang pagtagpo
‘di mabigkas
ang laman ng puso
damdamin mo’t damdamin ko’y
biglang naliwanagan
nang pusong bulalakaw
ay namagitan
[verse 3]
tayo ay katulad niyang
punla ng langit
punla sa kalawakan
ng lupa
sisibol, sisibol ba
binhing inihasik
bituing itinanim
ng bituin
[instrumental break]
[verse 3]
tayo ay katulad niyang
punla ng langit
punla sa kalawakan
ng lupa
sumibol, sumibol ka
binhing inihasik
bituing itinanim
ng bituin
[verse 4]
pusong bulalakaw
sa ati’y nagbigkis
tindi ng pagnanasa
ay ‘di na matiis
ang init mo’t ang init ko’y
humanap ng daan
at pusong bulalakaw
ay isinilang
Random Song Lyrics :
- fiya - vge lyrics
- wypalam - sitek lyrics
- dream play sick - illion lyrics
- ovds - jhon de baltimore lyrics
- do the road - jevon lyrics
- meglio tardi che noi - j-ax & fedez lyrics
- heavy - mikhael paskalev lyrics
- beretta lake - teflon sega lyrics
- nothing else matters - zippy kid lyrics
- time of the season - haley reinhart lyrics