bankerohan - joey ayala lyrics
[verse 1]
‘kaw ba’y nagtataka sa aking mga kilos
parating nasa bahay ‘di na nagpapakita
‘di na nagtitipar o nanonood ng sine
‘di na namamasyal sa magsaysay
[verse 2]
ako’y may karanasang hindi malilimutan
noong isang gabi nagkasunog sa palengke
ako ay nakisali sa mga nakiusisa
biglang may pumutok at nagkagulo*gulo
[chorus]
dagan! dagan! dagan!
mga tao’y nagsigawan
mabuti na lang at ako’y nadapa
at naligtas sa pinsala
[verse 3]
‘pagka’t mahirap ang umilag sa shrapnel ng granada
kapag ika’y tamaan labas ang ‘yong bituka
at kung ikaw ay suwertehing dalhin sa ospital
asahan mong ikaw ay dead on arrival
[verse 4]
at ganyan nga ang nangyari sa aking katabi
ang balak niya’y tulungan ang mga nasunugan
at napaaga lang nga ang kanyang gantimpala
isang libreng tiket sa kalangitan
[chorus]
diyos ko! diyos ko! diyos ko!
ito ba ang inyong kagustuhan
iilan na lang nga ang mga matitino
sila pa ang tinatawag niyo
diyos ko po!
[instrumental break]
[verse 5]
kaya mga higala kundi mahihinto
itong uring katuwaan na ‘di naman biro
inyong mapapansin sa kadug*y*dug*yan
unti*unting mauubos ang dabawenyo
[chorus]
pastilan! pastilan! pastilan!
sasabihin ng buong bayan
ang siyudad ng dabaw ay wala nang tao
ang dabaw ay s*m*nteryo
[chorus]
diko! diko! diko!
isa lang ang aking buhay
marami pa akong gustong gawin
huwag niyo munang putulin
[chorus]
ag*y! ag*y! ag*y!
isa lang ang aking buhay
marami pa akong gustong gawin
huwag niyo munang putulin
ang buhay ko
Random Song Lyrics :
- welcome to freeland - godholly lyrics
- in fire her hates higher - blazing lyrics
- teach your children - the hollies lyrics
- slow whine - kadu lyrics
- opus 15 fugue trilogy in a (take me to the tree) - ween lyrics
- glitter bomb - courtney swain lyrics
- hard out here for a gimp (bonus track) - wheelchair sports camp lyrics
- lying on a single bed with the metaphysical blues again - easyworld lyrics
- fcknxtwk - westside gunn lyrics
- traahi maam - xr lyrics