talambuhay - joey ayala at ang bagong lumad lyrics
[verse 1]
noong ako’y ‘sang bata pa ako’y nagtataka
kung saan nagmumula ang ilaw t’wing umaga
tinuro ni ina ang bilog ng araw
ito ay aking tiningnan at ako ay nasilaw
[verse 2]
ng*yon alam ko na ang araw ay isang bituin
at tuwing gabi sa langit ako’y nakatingin
libo*libong tala dito’y nagkikislapan
libo*libong kasama sa dilim at kalungkutan
[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
kasama sa dilim at kalungkutan
[verse 3]
nang tayo ay magtagpo sa parang ng buhay
pagkatao ko ay nagising sa ‘yong kamay
pinag*aralan natin ang sining ng pag*ibig
ako’y nagkalakas*loob, tumibay, tumindig
[verse 4]
ng*yon alam ko na ang pag*ibig ay isang bituin
batid mo ang tanglaw kahit ‘di kayang abutin
ika’y biglang tumungo kung saan ‘di ko alam
kasama ng*yon sa pag*iisa’y pag*ibig na naiwan
[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
aanhin itong pag*ibig na naiwan
[instrumental break]
[verse 5]
nang malasahan ko ang dahas nitong mundo
pag*ibig na naiwa’y nagkabagong*anyo
naintindihan ko na ika’y naging tala
ang ilaw mo’y tumatagos sa gabing nagluluksa
[verse 6]
ng*yon alam ko na kitang tanan ay mga bituin
mahina man ang ilaw, ang araw ay darating
at tayo’y liliyab
at ang gabi ay masisilaw
sa libo*libong kasamang
nagbibig*y*tanglaw
[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
kitang tanan pala’y mga bituin
pag*ibig natin ay magniningning
Random Song Lyrics :
- raining roses - metamorph (margot day) lyrics
- ~shiza~ - medication time lyrics
- univers - lucky (fra) lyrics
- noomy mekhasemny - نومي مخاصمني - ramy gamal - رامي جمال lyrics
- 6fu (six feet underground) [country version] - lovedrop lyrics
- khaas - vardaan & hamp - vardaan lyrics
- 데레 (derre) - bibi (비비) lyrics
- i'm greatful - caponit lyrics
- pleasers - goldilux & bbykocaine lyrics
- bang bang - pusat lyrics