sa ngalan mo - imago lyrics
pa’no mo iibigin ‘sang tulad kong marupok, sugat*sugat
saplot ang galos ng nakaraan?
pa’no hihilumin? pa’no ko tatanggapin?
ano’ng usapan? agaw buhay ang pag*asa
oh, tatawagin ko, lalapitan ko
ang siyang umagaw sa lalawigan ng noon
maakit ko sana ang iyong pagtingin
pahawak mo sana ang pusong maligalig
sa duyan ko sana, ganap mong himbing
huwag mo ‘kong lisanin nang tunay kang maibig
pa’no mo lilipulin daang*daang kong pagkasira
sa kakababad sa sarili kong pang*unawa?
sa’n ko hahanapin? pa’no ko sasadyain
ang iyong anyaya? ako’y marungis, ‘di makalapit
oh, tatawagin ko, lalapitan ko
ang siyang umagaw sa lalawigan ng noon
maakit ko sana ang iyong pagtingin
pahawak mo sana ang pusong maligalig
sa duyan ko sana, ganap mong himbing
huwag mo ‘kong lisanin nang tunay kang maibig
at sa tuwina’y masasambit ang ngalan mo
ipit sa sisi, bilang ko ang kulang mo
ngunit lahat ng ito, lahat ng ako
handa na maging iyo
oh, tatawagin ko
oh, tatawagin ko
maakit ko sana ang iyong pagtingin
pahawak mo sana ang pusong maligalig
sa duyan ko sana, ganap mong himbing
huwag mo ‘kong lisanin nang tunay kang maibig
maakit ko sana ang iyong pagtingin
pahawak mo sana ang pusong maligalig
sa duyan ko sana, ganap mong himbing
sa aking pagbalik nang tunay kang maibig
Random Song Lyrics :
- jéssica - léo chaves lyrics
- naa jeevitham neekankitham - nycil kk lyrics
- bom dia - joão daniel maia lyrics
- humble - crisis couture lyrics
- forget (two inch punch’s ’new jack thing’ rework) - lianne la havas lyrics
- paper cup (edit) - real estate lyrics
- speak in spite - weepings lyrics
- pelles bursda' - alf prøysen lyrics
- i wish - jade novah lyrics
- be good when i'm gone - four year strong lyrics