halina, lumapit sa akin - himig heswita lyrics
kaibigan, tantuin mong
isang paglalakbay ang buhay
sangasangang landas ay may kahirapan
kung ang lungkot o panganib sa yo’y
biglaang dumalaw
o kung ikaw ay mapagod
sa bigat ng ‘yong pasan
panginoon ang balingan
panginoon ang samahan
wika niya’y halina lumapit sa akin
kayong mga napapagal aking pagiginhawain
bigat ng inyong pasanin
ay aking pagagaangin
halina kaibigan
lumapit sa akin
kaibigan tantuin mong
isang paglalayag ang buhay
maalon ang dagat at may kalaliman
kung may unos at may hanging ‘di mo
kayang labanan
o sa gabing kadiliman
ni tala ay walang tanglaw
panginoon ang balingan
panginoon ang samahan!
wika niya’y halina lumapit sa akin
kayong mga napapagal aking pagiginhawain
bigat ng inyong pasanin
ay aking pagagaangin
halina kaibigan
lumapit sa akin
Random Song Lyrics :
- jos tää ois siin - erakossa lyrics
- sunglasses (album version) - black country, new road lyrics
- ti amo (stereoact #remix) - stereoact & howard carpendale lyrics
- 흉터 (scar) - che (kor) lyrics
- plus 100 do lansu - dj.frodo lyrics
- love you - lil durk lyrics
- guardian angel - lyrical kas lyrics
- camminiamo chill - mboss lyrics
- recesión - figol lyrics
- senza fiato - michele bravi lyrics