masaya naman - hikohidrio lyrics
[verse 1]
kanina pa nakapikit
‘di naman dalawin ng antok
pilit tinatago sa dilim
pagkabigo, takot, at lungkot
[verse 2]
nakatunghay sa lalim ng gabi
ang diwa mong maghapon nang pagod
kailan ba matatapos ang sakit
dahan*dahan nang nalulunod
[pre*chorus]
pero tahan na
ang puso mo’y payapa
[chorus]
humimbing ka ng pansamantala
sa lambing at tamis ng pahinga
dahil bukas pagmulat mo
ngingiti na muli ang mundo
magtiwala sa aking pagmamahal
‘di malinaw ang bawat dahilan
dahil bukas pagmulat mo
ngingiti na muli ang mundo
[verse 3]
magbabalik sa nakasanayan
kuwentuhang masaya at tawanan
muli sa dating yakap at halik
sino bang hindi nananabik
[pre*chorus]
kaya tahan na
ang puso mo’y payapa
[chorus]
humimbing ka ng pansamantala
sa lambing at tamis ng pahinga
dahil bukas pagmulat mo
ngingiti na muli ang mundo
magtiwala sa aking pagmamahal
‘di malinaw ang bawat dahilan
dahil bukas pagmulat mo
ngingiti na muli ang mundo
[bridge]
ngingiti, yeah
bukas muling ngingiti (ngingiti)
bukas muling ngingiti (ngingiti)
bukas muling ngingiti (ngingiti)
bukas mundo’y ngingiti
[chorus]
humimbing ka ng pansamantala
sa lambing at tamis ng pahinga
dahil bukas pagmulat mo
ngingiti na muli ang mundo
magtiwala sa aking pagmamahal
‘di malinaw ang bawat dahilan
dahil bukas pagmulat mo
ngingiti na muli ang mundo
dahil bukas pagmulat mo
ngingiti na muli ang mundo
Random Song Lyrics :
- emo-zioni - fraend lyrics
- aquafina - sewisza lyrics
- クリスマスの夜に (christmas no yori ni) - greeeen lyrics
- del sol no quiero su luz - bernabe rios lyrics
- lvl 2 - g4g (gamers 4 god) lyrics
- facebooklk - ta kaka koritsia tou hahe lyrics
- romantic riot - joel plaskett lyrics
- movie - denequia lyrics
- green/on go! (bonus) - kid outcast lyrics
- can't get over you (dang3r remix) - kvsh, the otherz & fröede lyrics