lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

para sa bayan - gloc-9 lyrics

Loading...

tanggapin ang hamon
(buhay mo man ang syang nakataya)
lumaban at bumangon
(walang abot kapag nakahiga)
sumalungat sa alon
kahit panulat lang ang baon

mga letra sa papel na isinulat
aking mga saloobin na binubuhat
habang lumusong sa k-munoy
at maiahon ang bayan na darang sa apoy

aking ina, k-musta ka na?
sa aki’y wag ka mag-alala
kahit ako’y nawalay sa’yo
ang nais ko ay malaman mo na

salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro
sa napakaraming bag-y na inyong itinuro
sa aking at sa lahat ng aking mga kapatid
kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid
tagadala ng liwanag pag ako’y nagbabasa
nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata
nalaman kong karunungan ay di dapat duwag
nang mapatunayan kong minsan ang katarunga’y bulag
kahit gaano kalupit ang sa iba’y ating sinapit
‘pag may galit at pait sa pagmamahal ka k-mapit
iyan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas
‘di kailangang gumamit ng dahas upang maka-alpas
mga nakagawian ng mga naatasang mamuno
tuyo na ang bukal, konti na lang ang tumutulo
sa ‘yong mga problema ang sinasagot ay biro
hindi sumusunod kahit ikaw ay makisuyo
palubog nang palubog na parang k-munoy
tanso sa ginto’y di lubog, peke ang amoy
parang mga nagaalok ng tulong ngunit sakim-sakim
na ang kapangyarihan na pilit inaangkin
ang buhay kong binuwis, kasama pa ng iba
handa kong ialay muli basta makita lang kita
na malaya’t masaya, lupa kong sinilangan
sana’y hindi magsawala ang aking ipinaglaban

kulay kayumanggi man ang aking binhi
hindi magkukubli, ipaglalaban ang lahi
pag-ibig na taglay,aking isinabuhay
abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay

ang kalayaan mo at kalayaan ko
ang kayamanan nitong bayan ko
ang kalayaan mo at kalayaan ko
ang kayamanan nitong bayan ko

tanggapin ang hamon
(buhay mo man ang syang nakataya)
lumaban at bumangon
(walang abot kapag nakahiga)
sumalungat sa alon
kahit panulat lang ang baon

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...