lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

idol - gloc-9 lyrics

Loading...

[intro: gloc 9]
kung alam mo lang kung sino ka sa buhay ko
(sana’y marinig mo ‘to)
ikaw ang simula at ang papupuntahan ko
(at ‘yan ang totoo)
parang eroplanong papel na hinagis nang malakas
tang*yin sana ng hangin sa landas

[chorus: gloc 9]
papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper
ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper
may bago si idol, idol, idol ko na rapper
lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
kahit sa isang kanta

[verse 1: hero]
idol, lodi, ‘dol (‘dol)
pwede ka ba na mag*sampol? (pol)
o kaya, pwede pa*arbor (bor)
ng kanta kahit na love song?
gustong*gusto kasi kitang maka*kolab
oh, talagang malupit parang ‘di ka na tao
‘di nagtitipid, ‘di rin nagigipit
ang tanong ko lang: (῾dol, pwede pa*picture?)
sabi ng madami, mabait ka daw
legit ka raw, marunong magbalik*tanaw
napapa*wow ako sa kada spit, galaw
hindi sabaw kapag ikaw nagkakalaw
natatang*y, lahat ay napapasabay
naglalaway kapag ikaw nagpapanday
nangangalay ako sa kakapalakpak
nagagalak na parang may alak sa hapagkainan
laging bundat sa kaalaman
kapag ikaw ang napapakinggan
sana magkaro’n ng pagkakataon na ikaw ay aking malapitan
magpapapirma sa tagiliran, ipapatattoo ko sa’king pinsan
nang hindi ka na mabura, nakatatak ka na sa’king puso at isipan
[pre*chorus: hero]
kung alam mo lang kung ga’no kaangas
kakalabasan ng kanta ‘pag tayo nagsama
‘di mo man ako mapansin ng*yon
gagalingan hanggang sa mahanap ang daan

[chorus: gloc 9, hero]
papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper
ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper
may bago si idol, idol, idol ko na rapper
lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
kahit sa isang kanta

[verse 2: g*clown]
mga obra mo’y nasa memorya ko
kabisa ko lahat ng mga istorya mo
pati porma, damit at lonta ay kinokopya ko
idol, sa’yo suporta ko
ikaw ang dahilan kung bakit ginagalingan ko palagi
sana makasagi sa bahaghari
at dumating ang pagkakataon sa kanta tayo ay pagtabihin
alam ko naman na imposibleng maganap
makaharap ko isa sa mga bituwin
sa ng*yon, idadaan ko muna sa dasal
pero sisikapin ko doon makarating
(kahit kulang sa [?])
‘di man ako mapabilang sa pinakamagaling
ay tutulayin kung tutuparin
dahil sa musika mo ay nabago
pananaw ko bilang tao
na laging talo at kung bibilangin
ay ‘di matanaw kung may bilang pa ba ‘ko
salamat sa inspirasyon, dahil sa’yo, nakabangon ako’t tumalag
at pumalag sa mga hamong nakaamba sa aking paglalayag
at sana dumating ang pagkakataon
na tayong dalawa ay magkasalo sa awitin
lahat ay gagamitin, ano man ang sapitin
wala akong paki maging alalay o alipin
[pre*chorus: g*clown]
ikaw ang anito ko, ako ang anino mo
o, idolo, ako’y nakahandang sumunod sa iyo ‘pag

[chorus: gloc 9, hero]
papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper
ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper
may bago si idol, idol, idol ko na rapper
lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka
kahit sa isang kanta

[verse 3: ramdiss]
sana madinig mo ang mga nagawa kong awit
ito ay bunga ng paghanga ko sa’yo at matinding pagkahumaling
lahat ng oras kong natitira ay sa’yo ko lang ibinabaling
kahit na parang ang pagkatao ko ay unti*unti nang kinakain
ng pagkasabik at pagkalulong ko sa’yo
ayaw kang mawala sa mata ko
gusto ko na mapunta sa tabi mo
kahit ayaw mong mapunta sa tabi ko
‘di ako mapakali, nagmadali, nagpadala ng mensahe
tumawag ako, sinagot sandali, pero wala namang sinabi
pagkababa ng telepono, tila mas lalong tumindi ang
kagustuhan ko na makita’t makasama ka, para na akong nahihibang
kaya inalam ko kung saan ka umuuwi’t nakatira
kung saan at kailan ka ulit maiimbita
kung ayaw ng tadhanang pagtagpuin tayong dalawa
hindi na’ko aasa, ako na mismo ang gagawa
ng paraan, kaya tinambangan
ko ang iyong tagamaneho sa paradahan
inantay kong tumalikod bago ko siya bakbakan
sinuot ko damit niya, sabay upo sa harapan
ng sasakyan, tsaka ka inabangan
pagpasok mo sa loob, agad kitang sinarahan
pinatakbo nang mabilis na parang siga sa daan
habang tumutunog ang kanta kong ‘di mo pinakinggan
tagal ko na inasam na makasama ka man lang
ang tangi kong hinihiling kahit sa isang kanta lang
“itigil mo na ‘to, o parang awa mo naman”
ng*yon, anong pakiramdam na hindi pinapakinggan?
hindi na ‘to mangyayari kung sana pinabayaan
mo man lang ako na ikaw ay aking makakamayan
g*yon ay habambuhay mo ‘kong pakikisamahan
dahil magsasama na tayo hanggang sa kamatayan, idol

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...