lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

ala - gloc-9 lyrics

Loading...

[intro]
oh*oh, oh*oh
oh*oh, oh yeah
oh*oh, oh*oh, oh yeah
oh*oh, oh yeah ([?] in the air)
oh*oh, oh yeah (gloc*9)
oh yeah, baby

[chorus]
puwede ko pa bang balikan lahat ng mga alaala
no’ng kapiling ka at wala nang ibang nais makasama

[verse 1]
nagkakilala tayo
sinabi sa sarili na malayo
man ay palagi kong ilalapit sa ‘yo
ang puso na ikaw lang ang siyang tanging minahal
at kinasal nga tayo
nagsama nang matiwasa’y at lalong
tumibay ang pag*ibig sa isa’t isa
hiling ko na mabiyayaan tayo ng anak

[pre*chorus]
panganay si rojelio, tapos ay nasundan
criselda, pancho, lito, aabot pa ng ilan
karen at joselito, susan, leslie, at levan
walang ‘di matatandaan
[chorus]
puwede ko pa bang balikan lahat ng mga alaala
no’ng kapiling ka at wala nang ibang nais makasama
makayakap lang habang dumadaan
panahong na aking binabalikan mga alalala

[post*chorus]
nung tumanda na tayo
lahat sila ay nando’n sa malayo
ang mayro’n lamang tayo ay isa’t isa
ramdam ko na tila may ‘di tama sa daan

[verse 2]
nahilo ako at tila tutumba
kita ko sa mata mo ang pag*aalala
agad sinabi mo sa ‘kin, “bukas magpatingin ka na.”
malakas naman ako kaya nagtataka
sinamahan mo ako, “pagod lang, wala ‘to,”
tapos ay pinatawag tayo ni doc sa kuwarto
“ano pong resulta? ‘di ba delikado?”
‘di pa niya masabi no’ng una, parang barado
“alzheimer’s,” “ano ‘yon, kainan?”
“may taning na ba ‘ko? sabihin mo kung kailan
‘di kaya itong gamot baka dapat na palitan
wala akong bisyo. ano ang puwedeng dahilan?”
“hindi ka pa mamamatay,” “kaso lang, ano?”
“maraming mga bag*y ang malilimutan mo
dahan*dahan ‘yan, ‘di agad*agad ito
sinasabi ko sa ‘yo para mapaghandaan mo.”
nagpatuloy tayo na parang ‘di naganap ‘yon
ang pigilang mahalin kita, hindi sapat ‘yon
sinulit ang lahat ng dumaang okasyon
susundo ako sa ‘yo, pero anong oras ‘yon?
“anong araw ng*yon?” “kaarawan ko ba?”
“nasaan ako?” “teka, sino ka?”
“bakit ka nakayakap sa ‘kin, umiiyak ka pa?”
“bitawan mo ako, kilala ba kita?”
[pre*chorus]
tay, ako po si rojelio, panganay niyong anak
criselda, pancho, lito na iyak lang nang iyak
karen at joselito, susan, leslie, levan
sana’y iyong matandaan

[chorus]
puwede ko pa bang balikan lahat ng mga alaala (sana)
no’ng kapiling ka at wala nang ibang nais makasama
makayakap lang habang dumadaan
panahong na aking binabalikan mga alalala

[intro]
oh*oh, oh*oh
oh*oh, oh yeah
oh*oh, oh*oh, oh yeah
oh*oh, oh yeah
oh*oh, oh yeah
oh yeah, baby
oh*oh, oh*oh
oh*oh, oh

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...