lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

opinyon - geo ong lyrics

Loading...

[spoken intro]
“h*llo?”
“uy, gee, kamusta na?”
“ayos lang”
“busy ka ba?”
“ah, ng*yon hindi naman”
“invite sana kita mag*coffee”
“ano meron?”
“may propose sana ako sa’yong business”
“oh”
“siguradong kikita ka, promise!”
“dodoblehin natin pera mo”
“hahahhahha”
[verse 1]
napapansin mo ba na parang niloloko na tayo
ng mundong sobrang talino, bin0bobo na tayo
pinapaikot na ng pera ang lahat ng tao
mga networking na ang lakas manggago
dinadaan tayo sa marketing na pa kape*kape
hangga’t walang napapala mangungulit gabi*gabi
papakitaan ka ng kotseng, ‘di naman kanila
marami nang nabiktima d’yan dinaan ang iba
‘yung iba, aba talagang naka*suit and tie pa
para magmukhang mayaman para bumig*y ka
sa loob daw ng isang buwan, ‘yung pera mo ay doble na
walang gano’n, walang instant kaya sorry ka
tayo kasing mga pinoy masyadong mahilig sa easy money
baka nakakalimot ka, ‘di tayo si manny
maigsi lang ang buhay, matuto tayong magsikap
mag*isip ng maigi, para ‘di tayo maghirap

[interlude]
“mga kapatid”
“kuya”
“kayo’y makinig”
“kuya, kuya”
“si krito’y darating, tayo’y magbig*y para tayo’y pagpalain”
“kuya, kuya”
“ano ba!”
“pangkain lang po kuya”
“wala ‘kong pera”
“gutom na po kasi ako”
“humingi tayo ng tawad sa ating mga kasalanan”
“kuya”
“tayo’y magbago na”
“sige na po, kuya”
“tayo’y magbig*y para sa gawain ng panginoon”
“kuya”
“do’n ka nga, naghahanap*buhay din ako dito”
“panira ka, eh”
[verse 2]
napakarami kong tanong sa’king isipan
na ‘di na masagot, magdamag ko mang titigan
ang bibliya na tao lamang ang may gawa
sa dami ng relihiyon, ito’y totoo pa kaya
sino bang dapat nating paniwalaan sa kanila?
kasi ultimo sila paniniwala’y magkakaiba
‘di ba’t isa lang naman ang dapat na sinasamba
ba’t nagtatalo*talo pa, ‘yun ay kailangan ba?
tingin ko ‘to’y negosyo na rin ng pari at pastor
oo maraming matino pero mas maraming impostor
baka nga ‘yung ‘di nagsisimba, mas mapunta pa sa langit
kasi ‘di tulad niyo ang diyos, ‘di namin ginagamit
nasa simbahan linggo*linggo, pero pangit ang ugali
sabi nila doon buhay mo ay pwedeng ibahagi
para ‘pag talikod mo, pag*uusapan ka nila?
‘kala mo mga perpekto, huhusgahan ka nila

[interlude]
“‘yan po ang kwento ng buhay”
“ah, kaya pala malandi”
“ni*rape pala ng tatay”
“‘di lang ‘yong pati ‘yung ate niyan pokpok”
“pokpok?”
“oo, iba*iba kaya lalaking kasama”
“ewan ko ba ‘di na siya nahihiya”
“dito pa ‘yan, siya nagsimba”
“ayy, siguro sa lahi na talaga nila ‘yan”
“malalandi”
“psst, uy, d’yan na siya, marinig kayo”
[verse 3]
kaya kayo kung ako sa inyo, ‘wag tayong magpaloko
matuto tayong mag*isip, ‘wag tayong magpabobo
magsisimba linggo*linggo ta’s peperahan ka
pa’no ko nasabi? ‘pag kulang big*y mo bibilangan ka
bakit? tumatanggap na ba ng pera ang diyos?
obligasyon bang magbig*y kahit kinakapos?
may bayad na pala ng*yon ang kaniyang serbisyo
kung kayo ang taga*singil, nasa’n ang resibo?
tax free ang simbahan kaya ang yaman niyo na
punong*puno na ng abuloy ang laman ng bulsa
‘di pwedeng kusang loob, kailangan may porsyento?
kesyo pampatayo daw ng simbahang kongkrеto
inaalam pa nila kung magkano ka sumahod?
ang iyong sinasahahod sa kanila umaanod
buhay pa tayo pero para na tayong nakalibing
sa wakas panginoon, may anak ka na pong nagising

[outro]
‘wag naman sana nating pagkakitaan ang diyos
manampalataya na lang tayo sa kaniya bagkus
‘yan lang naman ang gusto niyang maramdaman mula sa’tin
at siya na’ng bahala sa ating mga suliranin
mga may kasalanan sa’tin, atin nang patawarin
kung mabuti ang loob mo, ikaw ay pagpapalain
at ang lahat ng narinig mo ay aking opinyon
at alam kong magkakaiba tayo pagdating do’n

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...