lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

huling liham - geo ong lyrics

Loading...

[verse 1]
isang gabi, kausap mo ang iyong n0bya
g*ya ng dati, siya ay iyong bin0bola
nakaramdam ka ng init ng katawan
hiningan mo siya ng video ng kaniyang maselang harapan
ang sabi niya, “‘di ko pwedeng pakita ’to kanino man”
sabi mo, “promise, pagtapos ko, buburahin ko ‘yan”
sabi niya, “ayoko nga”, nagpumilit ka pa rin
nung sinabi mong “tiwala lang”, napilitan siyang gawin

[verse 2]
hanggang sa nagpadala siya ng videong hubo’t hubad
nagsarili ka kaagad, pagka*sent, k*mot agad
pagtapos mong pagnasahan, tinignan mo ulit siya
tingin mo na sa kaniya, eh ang dumi*dumi niya
naisip mong i*post online ang katawan niya
na may malasw*ng caption at naka*tag pa siya
nung nakita niya, umiiyak siya nang nagmamakaawa
“tanggalin mo ’yan, please, para mo nang awa”
hanggang sa nag*umpisa ng i*like, i*share ng mga tao
mga komentong bastos na hindi makatao
may mga naaawa at may mga natatawa
nakita na rin pati ng mga barkada niya
may kaibigan k*mampi, may kaibigang nanghusga
‘di malabong katawan niya’y sa libingan ang punta
may mga pinakita sa kamag*anak nila
‘yung mga taong masaya ‘pag nakatapak sila
[verse 3]
kinabukasan ay pumasok siya sa paaralan
halos lahat, ‘di mapigilan na siya’y pagtawanan
hanggang sa nasa loob na siya ng kaniyang klase
tinatanong siya ng lahat, tungkol do’n sa nangyari
pinatawag ang magulang niya ng guro niyang mabagsik
at pagtapos ng usapan, siya pala’y pinatalsik
pati magulang siya’y sinaktan dahil sa kahihiyan
“‘di ko anak ’yan, sino ba ‘yan? jusko, kadiri ‘yan”
pakiramdam niya ng*yon, sirang*sira na buhay niya
kahit saan siya magpunta, pinag*uusapan siya
iba’t iba ang naririnig niya, salitang masakit
dahil sa k*makalat niyang balitang mapait

[verse 4]
hanggang sa naisipan niya nang magpakamatay
isinaksak sa tiyan ang kutsilyong hawak sa kamay
pinuntahan siya ng magulang niya para bigyang gabay
pero ang naabutan nila, anak nilang patay
humagulgol sa kakaiyak ang dalaw*ng mag*asawa
kailan man ang anak nila’y ‘di na makakasama
dumating ang mga kamag*anak at mga kaibigan
ang natatanging mga tao na kaniyang sandigan
‘di makapaniwala ang lahat na isang buhay na naman ang nawala
at nalaman na lamang ng kaniyang n0byo ang nangyari
nang makita niya ang huling liham ng babae at ang sabi
[outro]
“oo, inaamin kong mali ang ginawa ko pero mahal ko
mas mali ang ginawa mo, nagtiwala ako sa’yo ‘pagkat mahal kita
baka ‘pag ‘di ko ginawa maghanap ka ng iba
tapos sa kabila ng lahat ay nagawa mo ‘yon
bag*y na sa atin lang dapat nakakalat na ng*yon
ilang taon, ilang buwan din ang ating tinagal
kung alam ko lang, ‘di na ikaw ang aking minahal
sa ginawa mo parang binawian mo na ‘ko ng buhay
ang bigat*bigat para akong nakabaon sa hukay
wala na, wala na ‘kong mukhang ihaharap
pati magulang ko, ‘di na ‘ko matanggap bilang anak
hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ‘to
mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na ‘to
hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ‘to
mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na ‘to”

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...