kalikasan (uhaw sa pagmamahal) - fred engay lyrics
[verse 1]
pula, kahel, dilaw, aking natatanaw
berde, asul, bughaw, at lilang iginuhit ng langit
kasabay ng pagbuhos ng ulan
dumadampi sa kalikasang
[chorus]
uhaw sa pagmamahal
uhaw sa pagmamahal
[verse 2]
isang daang taong matayog na puno
araw, ulan, bagyo ang dinanas at winaksi ng langit
kasabay ng paglakbay ng panahon
malalalim na ugat ay
[chorus]
uhaw sa pagmamahal
uhaw sa pagmamahal
pinuputol na lang
pinuputol na lang
[verse 3]
malayang mga hayop, wala nang natitirhan
kinulong, inabuso, ginapos
saksi ang langit sa pasakit
para bang walang katuturan
humihikbi ang mga hayop na
[chorus]
uhaw sa pagmamahal
uhaw sa pagmamahal
kinakatay na lang
kinakatay na lang
[verse 4]
bahaghari, tayo ang pag*asa
bahaghari, tayo ang pag*asang iginuhit ang langit
kasabay ng pagbuhos ng ulan
dumadampi sa kalikasang
[chorus]
uhaw na pagmamahal
uhaw na pagmahahal
papawiin ang uhaw
sa pagmamahal
[outro]
kalikasan, sagipin natin ang
kalikasan, sagipin natin ang
kalikasan, sagipin natin ang kalikasang
uhaw sa pagmamahal
uhaw sa pagmamahal
Random Song Lyrics :
- bros before hos - nikki lang lyrics
- rupem baraka - zale (french) lyrics
- de una sola manera se pronuncia tu nombre - víctor manuel lyrics
- đừng giận anh nữa - the men (vnm) lyrics
- insonnia - funk shui project & davide shorty lyrics
- jedno hasło - bąbel (pl) lyrics
- venting pt 2 - anv tiimmy lyrics
- dusted - loden green lyrics
- kumbaya - b.o.b lyrics
- driver baby - baegod lyrics