sampung taon - ericson acosta lyrics
sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita
lunting mga punlang katatanim pa lamang
anu’t bigla*biglang pinagsasagasaan
palay na kay hitik, aanihin na sana
siya ay napahibik pagkat ng*yo’y wala na nga
at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita
mga kabukirang tila walang hangganan
haya’t di malinang, sadyang binabakuran
bahay na kay liit at tanging kayamanan
siya ay napapikit pagkat ng*yo’y abo na lang
at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sampung taon na nga ng*yon ang pangyayari
si luisita’y nasa tiyan pa lang noon
ang tatay niya sa welga ay naging haligi
ibinuwal ng mga balang bumaon
at nang si luisita ay tanungin ng*yon kung san ba matatagpuan
ang taong siyang salarin noon, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (mananagot)
sa malacanang (malalagot)
sampung taong gulang itong si luisita
Random Song Lyrics :
- nada - ruido rosa lyrics
- closer - rachel mae hannon lyrics
- party girl - sam lex lyrics
- right on time - brandi carlile lyrics
- locked in - skylar stecker lyrics
- интроверт (introvert) - showbiz school lyrics
- brand new enemy - matt embree lyrics
- promises - silvertwin lyrics
- hoompa hoompa yeah! - bodh'aktan lyrics
- viimeinen tanssi - mamba lyrics