lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

pinaalala - emar industriya lyrics

Loading...

lumaktaw
nilaktawan ko ang tatlong pahina
upang mapagtakpan
ang alaalang dapat ay nauna
nagpakasulasok sa nais iparating
ng aking musika
na inabuso, kinultura ang aking sibika
pintig ng puso ay hindi na nadarama
maging ang aking panlasa sa akin
ay hindi na pumapasa
ibinig*y ang sarili pati pato’y ikinasa
isinulat ang higit pa sa labis
maging ang lapis wala nang maitasa
haha
literal ang pangyayari na lulusaw
sa pikit mata
ang isip nagpasakit para sa mga
ulong tumataba
pantay ang pagtingin
sa kanan at sa kaliwa
gumagawa ng may hangad
walang napapala (wala, wala)
niyakap ang sakit ng panahon
ngunit lumipat dito at nawala
marami ang nakakabit
kaya bigat lamang ang nadarama
ipinalunok ang prinsipyo
karakter ang ipinangunguya
bandang huli ang kabig sa taya
kaluluwa kong nakasangla
hindi talaga ako pinahintulutang
pumasok ng ulong may tinik na korona
sa pintuan na kung saan ang alaala
ay may pinaka lala
kaya naghintay lang talaga ako sa labas
nag*isip, nag*masid, nag*hintay
ba talaga ako
ang ipo*ipo malagpasan at matawid
sa halip buo din
sa isang dangkal na babasahin
paaminin ang sarili
isulat sa pagawing sulatin
buklatin ang alaala
kunin ang nais ganapin
hanggang ang panaginip na
ang magising
hanggang ang panaginip na
ang magising
patawad aking wika
kung sakim kong ipapakita
na itaguyod ka’t ilaban
mapundi man ang isip ko’y
patuloy kang iilawan
ako’y iyong sangkalan
kahit hindi tayo paniwalaan
gagamitin padin kita
nang may kahalagahan
na kahit ulanin ng kaapihan
nilang hindi matimbang
ang kaibahan silungan mo
ang nag*iisang punong
hindi kayang apuyan
ng aliw, kahambugan
na sumisira sa adhika
ng mga bumabastos sayo
sa sarili mong lupa
nagawa kang babuyin
makuha lang at mapag*wagian
ang katanyagan at ang kita
na naging bukang bibig
ng mga bata nakababahala
ang patutunguhan ng tayutay
at panitikan
naalangtala na nakasanayang
walang kisig na pamamaraan
nang pagsusulat, pagsasadula
kabatiran ang salitaan
at ang may katuturan
ay itinuturing kabaliw*ng talaan
naging boses ka nalang ng bisyo
at kalayawan
bilang ng nakikinig ang naging
presyo ng iyong kamahalan
ngunit aking wika
nandito ang alaala upang gampanan
yeah
patawad aking wika
kung nais kong suklian
ang mga kaya mong gawin
kung ang mga kaya mong gawin
ako lamang ang sukli
dingin ang aking hiling
na ginawa kong tuparin
alpabeto mo ang nakikita ko
sa tuwing may nais akong mahalin
paano na kung nais na kita makausap
at ibahin
gumawa ng sarili kong babasahin
handa mo bang harapin
ang pag*ibig ni rame
na hindi kayang sugpuin
nino man, nino man
salamat at nagkita tayo
mabuti at nagkita tayo
sa daan ng mga tumakas
sa alaalang dinaanan ng mga tumakas

Random Song Lyrics :

Popular

Loading...