niyebe - eleazar galope lyrics
[verse 1]
‘wag kang matakot bumangon
limutin na ang pagtapon
akin na’ng kamay mo’t
sabay tayong umahon
ang gabi’y hindi maaagaw
magkasama hanggang umaraw
magkahawak*kamay at iiwanan ang kahapon
[pre*chorus]
pero kung sa isip lang magaganap
kahit gising, ako’y mangangarap
iisiping
[chorus]
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin, pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y iyong iyo
[verse 2]
pagod na rin na magpanggap
sabik na ‘ko sa’yong yakap
mahawakan ang kamay at ‘di na bibitawan
kung sabihin man ang pagtingin
sana sa’yo ay ayos din
magkahawak*kamay na hahamunin ang kapalaran
[pre*chorus]
pero kung sa isip lang magaganap
kahit gising, ako’y mangangarap
iisiping
[chorus]
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin, pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y iyong iyo
[bridge]
magawa man nilang ika’y maliitin
iba ka sa nalalabing mga bituin
ikaw ma’y niyebeng ‘di mahuhulog sa ‘kin
pipiliting
[chorus]
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin, pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y pipiliting
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin, pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y iyong iyo
Random Song Lyrics :
- please don't call me crazy - 360 lyrics
- retour vers le passé - black street & smd lyrics
- shook - ye ali lyrics
- through the fire - eliane elias lyrics
- in transit - source act lyrics
- let me know - galimatias lyrics
- drop it like it's hendrix - dj mei lwun lyrics
- up there - young buck lyrics
- maestro - kool a.d. lyrics
- d-acum inainte - carbon & phane lyrics