huwag mo sanang isipin - daphne cabaguio jocson & dulce lyrics
[verse 1]
huwag mo sanang isipin hindi kita natatanaw
huwag mo sanang isiping iniwanan na kita
lagi kang nakikita sa paglipas ng araw
at aking nalalaman ang iyong pagdurusa
[verse 2]
huwag mo sanang isipin hindi kita naririnig
ang iyong dalamhati, ang iyong mga daing
‘di mo ba nalalaman na kita’y iniibig
bawat patak ng ‘yong luha ay aking nababatid
[verse 3]
huwag mo sanang isiping nalimutan na kita
dahil ang ‘yong pangalan sa palad ko’y sinulat na
kung ako’y kailangan, kung ako’y hinahanap
tumawag ka’t m*n*langin at ako’y mangungusap
[verse 4]
huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin
huwag mong kalilimutan ang inalay ko sa ‘yo
kahit ang aking buhay ay aking inihain
tulad ng ginawa ko sa krus para sa ‘yo
[bridge]
kung ako’y kailangan, kung ako’y hinahanap
tumawag ka’t m*n*langin at ako’y mangungusap
[verse 4]
huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin
huwag mong kalilimutan ang inalay ko sa ‘yo
kahit ang aking buhay ay aking inihain
tulad ng ginawa ko sa krus para sa ‘yo
[outro]
huwag mo sanang isiping hindi kita minamahal
ang katotohanan, kita’y minamahal
Random Song Lyrics :
- wake me up - bailey rushlow lyrics
- de l'amour à détester - sceptik lyrics
- spread love to ya - cvees lyrics
- marzenia z osiedla - toczek lyrics
- onahi - archangel lyrics
- hello - the creatures lyrics
- coconut sharks in the water - twenty one pilots lyrics
- now that we're older - page 44 lyrics
- i can play guitar - brett kissel lyrics
- drunken dwarves - wind rose lyrics