pakiusap - cesca lyrics
[verse 1]
ika’y aking anaki
nagkalabuan sa pagkinang ng dagat at kislap ng buwan
bawat isa’y magkakalahati
nasa atin na ang marahuyong balse ng gabi
[pre*chorus]
siguro balewala ang lahat ng sikretong binulong mo sa akin sa gitna ng dilim
siguro mas nais mo ang liwanag ang nakakasunog niyang dilim
[chorus]
pakiusap na lang, walang manghihinayang
dahil siya ang ‘yong pinili
sa’king panaginip, ikaw ang nasa isip
gusto ko nang magising
[verse 2]
ba’t ‘di mo nabanggit?
mahal mo na ang siya na dumarating at aalis nang bigla
‘di na lalayo sa bukang liwayway
na ‘di marunong magpaalam at agad mawawalay
[pre*chorus]
tayo ang tanging tahanan ngunit bakit mo napag*isipang magbasakali?
kasalungat ba ang magbubuo at maghihilom ng pusong may
kahati
[chorus]
pakiusap na lang, walang manghihinayang
dahil siya ang ‘yong pinili
sa’king panaginip, ikaw ang nasa isip
gusto ko nang magising
[bridge]
bakit parang paulit*ulit lang na kay dali*dali kong palitan
kung kelan ko napag*isipang magpalakas*loob ay bigla lang bibitawan
oh, sinta, masisi ba kita kung mas mahal mo ang siyang ‘di mo kilala?
oh, abad, masisi ba kita kung ‘yun din ang aking ginagawa?
[outro]
pakiusap mo na, ako ang nararapat
ngunit ‘di mo napansin ang ating tadhana
‘di mo masisisi ang nais kong pag*alis
na para bang pamahiin
Random Song Lyrics :
- munkholm - mcflatbrød lyrics
- nonstop - chagzi lyrics
- don't blame me - deps lyrics
- chicken - sapien sounds lyrics
- 風邪 - noriko sakai lyrics
- тараканы - palc ft. f3rctak lyrics
- collide - tiana major9 lyrics
- parallel worlds - rroyce lyrics
- cada vez - mena (uruguay) lyrics
- over seas - michael stretch lyrics