pito ni juan - apo hiking society lyrics
[verse 1]
bata pa lang si juan
marami na siyang alam
mahusay magbilang
lamang sa paaralan
sa maraming bag*y
may kahusayan si juan
talagang mahusay si juan
[verse 2]
pitong taong gulang pa lang
marunong nang pumito si juan
pitong taong gulang pa lang
mga babae’y pinipituhan
[refrain]
pipito*pito si juan
pipito*pito si juan
pipito*pito pipito*pito
pipito*pito si juan
[verse 3]
lumipas ang ilang taon
lumawak ang karanasan
matipuno at may dating
si juan naging crush ng bayan
bawat natitipuhan siya’y pinapatulan
basta’t nasisipulan sila ni juan
[verse 4]
labimpitong taong gulang
makamandag ang pito ni juan
labimpitong taong gulang
mga babae’y pinipituhan
[refrain]
pipito*pito si juan
pipito*pito si juan
pipito*pito pipito*pito
pipito*pito si juan
[verse 5]
at nang malaunan
nagkaroon ng anak si juan
pito ang isinilang
sa bawat inang alam
pito ang asawa
na hindi man lang pinakasalan
hindi talaga maawat si juan
[instrumental break]
[verse 6]
pitong bahay ang inuuwian
naubos ang pinaghirapan
hiningal hinika si juan
pitong ipin na lang naiwan
[refrain]
humina ang pagpito ni juan
humina ang f*gfito ni juan
fifito*fito fifito*fito
fifito*fito si juan
[verse 7]
pitungput*pitong taon
pito*pito ang iniinom
ngunit ‘di makatulong
sa tuhod ni lolo juan
pitong talampakan
ang lalim ng libingan
at pitong sepulturero
na walang pakialam
[verse 8]
yumao siyang nag*iisa
iniwanan ng buong angkan
naiwan lang ay pustiso
sa basong kinalalagyan
[refrain]
‘di na pumipito si juan
‘di na makapito si juan
‘di na pumipito ‘di na makapito
‘di na pumipito si juan
Random Song Lyrics :
- тонкий лёд - illumate lyrics
- du bist kein - agir (deu) lyrics
- money marathon - rells fargo lyrics
- goals - kezzy lyrics
- morskie fale - mlodystachu x mlodytoaster lyrics
- devagarinho - gilsons lyrics
- fruit de la passion - danyl (fra) lyrics
- der plattenspieler - tanja lasch lyrics
- lean on me always - the 5th dimension lyrics
- tablets - notes by milton lyrics