paro paro sa loob ng garapon - 157 lyrics
[verse 1]
nilag*y ko sa loob ng garapon
ang aking mga paruparo
katabi ng mga alitaptap
na lumiliwanag sa dilim
[verse 2]
ginuhit ko ang ‘yong larawan
sa likod ng kuwaderno sa ilalim ng tulang
‘di ko maintindihan at ‘di ko rin alam
kung ano ang talagang ibig sabihin
[chorus]
lalagpas ang nararamdaman
sa mga hangganan ng salita
lalabas sa pusong kinandado
ng isip na nanghuhula
[verse 3]
ako’y ligtas sa loob ng puting mga pader
pero minsan, nakakatakot mag*isa
isang araw, pagkatapos umulan
may pangalang naisulat
[verse 4]
at kung paano ka magsalita
ang tainga’y kinikiliti
ang pakiramdam ay ‘di ko mahambing
nahuli mong nangangarap nang gising
[chorus]
lalagpas ang nararamdaman
sa mga hangganan ng salita
lalabas sa pusong kinandado
ng isip na nanghuhula
lalagpas ang nararamdaman
sa mga hangganan ng salita
lalabas sa pusong kinandado
ng isip na nanghuhula
[bridge]
aapaw na ang mga paruparo
dadapo ba sa rosas ko?
bubuksan ko na ba ang aking garapon?
papakawalan o manghuhula na lang?
[outro]
nagpupumilit lumabas ang ngiti
na ‘di ko pinapayagan
kaya nilagyan ko ng takip ang bibig
na naghahanap ng mga salita
ang daming detalye na nais kong malaman
ng*yon, hanggang hula na lang
hanggang hula na lang
Random Song Lyrics :
- immer wieder du - claudia jung lyrics
- i' te vurria vasà - massimo ranieri lyrics
- довела - bittuev feat. niletto lyrics
- boots of spanish leather - the dubliners lyrics
- grün, grün ist tennessee (green, green) - the new christy minstrels lyrics
- look up sarah - thad cockrell lyrics
- bastards in blue - the partisans lyrics
- late night antics - the baby namboos lyrics
- and we all return to our roots - forecast lyrics
- nechutná čivava - sto zvířat lyrics